Nasa 50 mga estudyante na kabilang sa Special Program for Employment of Students sa Imus City Cavite, nakatanggap na ng Cash Assistance mula sa DOLE
Nasa limampung (50) mga estudyante na kabilang sa Special Program for Employment of Students (SPES) ang nakatanggap na ng kanilang Cash Assistance sa pamamagitan ng DOLE Cash payout nito sa Imus City Cavite.
Bawat estudyante ay nakatanggap ng tig five thousand nine hundred seventy-six pesos (5,976.00) mula sa Dept. of Labor and Employment sa pamamagitan ng Imus City Government.
Ang programang ito ng DOLE ay naglalayong makapagbigay ng pansamantalang trabaho para sa mga estudyanteng nais na matulungan ang kanilang pamilya ngayong may Covid 19 pandemic, at makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral.
Ulat ni Jet Hilario
Please follow and like us: