Nasa 540K early grade reading materials, tinanggap ng DepEd Bicol mula sa USAID
Nagkaloob ang United States Agency for International Development (USAID) ng early grade reading materials para sa mga pampublikong paaralan sa Bicol region.
Ayon sa US Embassy, nai-turnover na ng USAID sa Department of Education (DepEd) sa Bicol ang 540,000 reading materials na nagkakahalaga ng P27 million.
Partikular na ibinigay ang learning resources sa Sto. Domingo Central School at Salvacion Elementary School.
Ang mga nasabing libro ay ang unang batch ng materials na ipinagkaloob ng US sa DepEd ngayong school year.
Bahagi ito ng Advancing Basic Education in the Philippines (ABC+) project ng USAID.
Binubuo ang reading materials ng picture books, storybooks, at leveled readers na nakasulat sa mother tongue languages, English, at Filipino.
Layunin ng proyekto na matugunan ang mga gap sa reading practices ng mga batang mag-aaral at matulungan ang kindergarten hanggang grade 3 students na ma-develop ang foundational reading skills.
Moira Encina