Nasaan na ang National ID?
Iyan ang tanong ng mga Senador sa Philippine Statistic Authority sa gitna ng deliberasyon ng senado sa hinihinging budget ng NEDA
Ayon sa mga Senador, tuloy ang pambibiktima ng mga scammers dahil nakakalusot ang pagpaparehistro ng mga simcards gamit ang mga pekeng ID.
Sabi ng mga Senador mahalaga ang papel ng National ID dahil may kumpletong demographic at biometrics ng mga pilipino
“Who has an ID in this room? Kami wala pa. paano malalaman? How can the filipino know na may ID na siya o ready to download na?” Tanong ni chairman, senate Finance Committee Senador Sonny Angara.
“Kung hirap tayo magproduce ng hard copy dahil sabi niyo 31% pa lang nadeliveran ninyo, siguro pwede na natin i-stop yun. Then we’ll go digital maka-save pa ng pera ang gobyerno. Lahat naman ng pilipino merong cellphone. o ito ang aking national ID maka-save pa tayo ng pera. siguro that would be a wise move. I dont know. sana gamitin na ito lahat ng transaction.” pahayag ni Senador Ronald dela Rosa
Sagot ng PSA, inaasahang matatapos nila ang pag-iimprenta ng mga physical ID sa September ng 2024
Sinabi ni National Statistician Usec. Dennis Mapa na sa ngayon umaabot na sa 81 million ang mga Pilipinong nakapagparehistro
39.7 million na physical ID ay naibigay na sa may-ari habang kalahati pa sa mga ito ang hindi pa naimprenta pero mayroon nang digital o e-phil ID
Kahit digital pa ang ID maaari na rin naman aniya itong gamitin sa mga transaksyon sa bangko
Maaari itong ipa-imprenta para magamit pansamantala at maaari rin namang ipakita ang digital ID na naka-save sa gadgets ng mga Pilipino
“Sa ngayon printing capacity 80k per day increase higher ano tinitingnan 150k a day card-proposal ng provider may technology change in the process pag-uusapan ng aking chair ng PHILSYS ID balisacan at BSP governor gusto na mai-deliver na PHILSYS ecard.” pahayag ni Usec. Dennis Mapa
Sa Oktubre target naman ng PSA na buksan na ang kanilang system para itama naman ang mga maling impormasyon sa mga nai-imprenta nang ID
“Nagsimula na kami pilot provincial updating ng information itong buwan ng September hanggang October na clear na pilot promising result iro-roll-out na balikan mga kababayan na nagkaroon ng changes sa information nila lalo na sa demographic info maitama sa databasde ng national id system.” pahayag ni Usec Dennis Mapa
Meanne Corvera