Nasawi sa pagputok ng bulkan sa Indonesia umakyat na sa 22
Umakyat na sa dalawampu’t dalawa ang bilang ng nasawi sa pagsabog ng Mount Merapi sa Indonesia, matapos matagpuan ang siyam pang mga bangkay.
Ilang araw na naghanap ang daan-daang rescuers upang makita ang mga nawawalang hiker, bago i-anunsiyo ng lokal na rescue agency na karamihan ay natagpuan na at sampu na lamang ang nalalabi.
Sinabi ng pinuno ng Padang Search and Rescue Agency, na siyam sa sampung naiwang nawawala ay natagpuang patay na kaya’t isa na lamang ang patuloy na hinahanap.
Ilan sa 75 hikers na nasa bundok nang maganap ang pagsabog ay natagpuang buhay at dinala na paibaba, kung saan marami ang nagtamo ng paso at bali.
Kuwento ng 22-anyos na survivor na si Ridho, “I was zig-zagging, going down around 30 to 40 metres” to a trekking post. The eruption sounded loud, I took a look behind then immediately ran away as everyone did. Some jumped and fell. I took cover behind the rocks, there were no trees there.”
Ang bulkan ay patuloy pa rin sa pagputok hanggang Martes ng tanghali, sanhi upang maantala ang rescue efforts ng mahigit sa dalawangdaang personnel.
Sinabi ni Ahmad Rifandi, pinuno ng monitoring post ng Merapi, na nitong Martes ay naobserbahan nila ang limang pagsabog simula hatinggabi hanggang alas-8:00 ng umaga (local time).
Aniya, “Marapi is still very much active. We can’t see the height of the column because it’s covered by the cloud.”