Nasawing Pinoy sa pagsabog sa Beirut, umakyat na sa 4; sugatan, 31 na – DFA

Dalawa pang Overseas Filipino Workers ( OFWs ) ang nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs ( DFA ), ipinarating ng PhilippineEembassy sa Beirut na umakyat na sa apat ang bilang ng mga pinoy na namatay sa pagsabog.

Umabot naman sa 31 ang mga pinoy na naitalang nasugatan.

Sinabi ng DFA na isa pang household service worker ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

Sa mga nasugatang pinoy, dalawa ang kritikal ang kondisyon sa Rizk Hospital.

Tiniyak naman ni Foreign Affairs Undersecretary  Sarah Lou  Arriola na patuloy na binabantayan ng embahada ang kondisyon ng mga Filipino  sa Beirut  ” We are saddened by the latest turn of developments. The higher figure comes as our Embassy personnel work to ascertain the condition of the Filipinos in its jurisdiction..“ ” Our Embassy officials shall continue to ascertain the condition of our community in Beirut. The DFA reaffirms its commitment to bring the much needed support and assistance to our kababayans specially at this hour of need. ”

 

Please follow and like us: