Natagpuang mga bloke ng cocaine sa iba’t-ibang karagatan ng bansa, diversionary tactics umano ng mga sindikato upang iligaw ang Law Enforcement ng bansa – PDEA

Naniniwala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang mga natatagpuang mga bloke ng floating cocaine ay nagmula lamang sa iisang shipment.

Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, parehong-pareho ang packaging, mga tali na ginamit at pagkakabalot ng cocaine na natagpuan sa mga dalampasigan ng Dinagat at Siargao islands, Camarines Norte at ang pinakahuli ay sa Perez, Quezon.

Posible aniyang ang mga cocaine na ito ay nagmula sa isang malaking foreign drug syndicate  at ginagawang trans-shipment point ang Pilipinas at ipinapadala muli ito pabalik sa mga “Cocaine consuming countries” gaya ng Hongkong, Australia at China.

Isa rin aniya sa kanilang tinitingnan ay posibleng diversionary tactics lamang ito ng malalaking sindikato ng droga upang iligaw ang Law Enforcement agencies ng bansa kaya sinasadyang ihulog ng mga ito sa karagatan  upang makapagpapasok ng mas malalaking drug shipment.

Hinahayaan lang ba ng  mga sindikato ng droga na hindi maretrieve ang mga ito? Inspite na may GPS sila, madali na sana nilang nareretrieve ito kasi they can easily locate kung nasan yung mga cocaine. Pero inspite na naka-GPS sila, hindi nila nareretrieve kaya yung isang theory ang nailabas ang namin na they are intentionally laid down in the ocean para magkaroon ng diversionary tactics na itong GPS ang iiwasan ng sindikato dahil andun yung government forces. So ito yung iiwasan nila para makapagpapasok ng mas malaking volume ng drugs”.- PDEA Dir-Gen. Aaron Aquino

 

============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *