National Artist Napoleon Abueva, ililibing na sa Pebrero 24

Itinakda na sa Pebrero 24 ang libing ni National Artist for Sculpture na si Napoleon Abueva.

Isasagawa ang libing matapos ang gaganaping Necrological service sa Cultural Center of the Philippines sa Pasay City.

Pumanaw si Abueva sa edad na 88 noong Pebrero 16 sa National Kidney and Transplant Institute o NKTI.

Ayon naman sa National Commission for Culture and the Arts o NCCA, ang pinakabatang National Artist awardee sa Pilipinas sa edad na 46 na kinilala noong 1976.

Kabilang sa mga sikat nitong obra ay ang Blood Compact monument sa Bohol, Sunburst sa kisame ng Peninsula lobby at marami pang iba.

Kasama rin sa dinisenyo ni Abueva ang Bataan memorial cross kasama si Lorenzo del Castillo.

Si Abueva na kilala rin sa pangalang Billy ay ipinanganak noong Enero 26, 1930 sa Tagbilaran, Bohol.

 

===============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *