National Biotechnology week 2018, pangungunahan ng DOST….aplikasyon ng Biotechnology sa larangan ng medisina, isa sa mga itatampok
“Pambansang Hamon, Pambansang Solusyon” ito ang tema ng pagdiriwang ng National Biotechnology week sa taong ito.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya, ang Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development o PCHRD, ang Biotech ay isang siyentipikong pamamaraan na ginagamit ang mga buhay na bagay o living microorganism …. upang mapaigi at mapabuti ang mga teknolohiyang nasa bansa na makatutulong sa pagkain, sa kalusugan sa industriya at marami pang mga palikasyon na paggagamitan nito.
Dr. Jaime Montoya, Executive Director, DOST – PCHRD:
“Maraming gamit ang biotechnology lalo na sa larangan ng mga bakuna at gamot…marami ang ehemplo diyan…nanjan na ung insulin para sa diabetes… mga bakuna para maiwasan ang maraming sakit at maraming pang ibang application”.
Ang 14th National Biotechnology week ay isasagawa sa November 13-17 sa World Trade Center. Inaanyayahan ko kayong lahat na umattend, sumama, pumunta sa WTC from Nov. 13 to 17 ngayong taon na ito, para makilahok para sa national biotechnology week. Ito po ay libre, walang bayad ito so inaanyayahan ko ang lahat, walang exceptions bata matanda, lahat tayo ay pumunta doon at makikita ninyo ang maraming exhibit para maunawaan ninyo at matutunan ninyo ang mga tulong na nagagawa ng Biotechnology sa buhay ng bawat Filipino, so magkita-kita po tayo doon.”
Ulat ni Belle Surara