National Center for Mental Health itatalaga nang Covid- 19 Referral Hospital
Itatalaga na rin bilang Covid- 19 referral Hospital for moderate cases ang National Center for Mental Health.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, nakipag-pulong na sina Health Sec. Francisco Duque III at Usec. Leopoldo Vega sa mga opisyal ng NCMH para mabuksan na ito at makatanggap na ng mga Covid patient.
Halos 1,000 kama aniya ang inilaan para magamit sa mga moderate Covid- 19 patient.
Kaugnay nito, sinabi ni Vergeire na tumaas na rin ang bed capacity ng iba pang ospital sa NCR matapos makapagtayo ng mga modular hospital at tents.
Sa Tala Hospital ay may 44 beds aniya ang nadagdag sa itinayong modular hospital, 44 beds naman sa Lung Center of the Philippines, at 110 beds sa Quezon Institute Off Site Modular Hospital.
Sa Tondo Medical Center ay may 5 tent na may 34 beds ang nailagay, 7 tents na may 39 beds sa Dr. Jose Rodriguez Hospital and Sanitarium, 4 tents sa San Lazaro Hospital, 3 tents na may 24 beds sa Jose Fabella Memorial Hospital, 3 tents na may 45 beds sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center, 2 tents na may 12 beds sa Las Piñas General Hospital, 5 tents na may 100 beds sa Dr. Jose Reyes Memorial Medical Center at 2 tents with 28 beds sa Lung Center of the Philippines.
Kasabay naman ng pagpapataas ng bed capacity sa mga ospital sa NCR, sinabi ni Vergeire na pinatataas rin nila ang bilang ng mga health workers sa mga ospital.
Katunayan may 136 health workers mula sa iba’t ibang ospital sa Visayas at Mindanao ang idineploy sa mga ospital sa NCR.
Madz Moratillo