National Council on Disability Affairs o NCDA tumanggap ng mga computers at tablets mula sa teletech na magagamit ng mga may kapansanan

Tumanggap ang national council on disability affairs o NCDA ng mga personal computers at tablets na donasyon ng teletech company na magagamit ng mga organisasyon at mga estudyante na  may  mga kapansanan.

Ang mga computers at tablets ay tinanggap ni NCDA Executive Director Jonorio Fradejas mula kay ginoong David Bernal executive director for operations ng Teletech.

Ayon kay Fradejas ang mga computers at tablets ay magagamit ng mga ibat-ibang organisasyon ng mga may kapansanan sa bansa para sa information technology, data base at digital transaction ganun din sa mga estudyante na may kapansanan para sa kanilang digital learning.

Inihayag naman ni ginoong David Bernal executive director for operations ng teletech na nais nilang makatulong sa information technology para sa mga may kapansanan kaya sila nagbibigay ng libreng mga digital equipment at gadget.

Niliwanag ni bernal na mayroon pang mga susunod na batch ng mga personal computers at gadgets na ibibigay ng kanilang kumpanya upang mabigyan ang lahat ng mga organisasyon ng mga may kapansanan na nasa ilalim ng NCDA.

Sinabi naman ni ginoong Randy Calseña regional program coordinator ng NCDA na mayroong training program na ibinibigay ng libre para sa mga may kapansanan para matuto ng technical know how sa operations ng information technology.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *