National food security framework para maresolba ang kagutuman sa bansa isinusulong sa Kamara
Itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para magkaroon ng National food security framework para malunasan ang kagutuman sa bansa.
Ayon kay Congressman Patrick Michael Vargas, layunin ng House Bill 4562 o Right to Adequate Food Framework Bill para matiyak ang food security, distribution, processing at market systems.
Sinabi ni Vargas, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagsabi, bilang kalihim ng Department of Agriculture, titiyakin niya na mayroong sapat na supply ng pagkain at mapaunlad ang food production sa bansa.
Inihayag ni Vargas sa pamamagitan ng pagkakaroon ng national food security framework mapaghandaan ang global food crisis na iniulat ng World Bank, World Trade Organization at United Nations Food and Agriculture.
Vic Somintac