National Hypertension awareness month, ginugunita… bilang ng mga taong Hypertensive lalo pang tumataas ayon sa eksperto
“Walking time bomb” ito ang taguri ng mga eksperto sa mga taong may mataas na blood pressure.
Ito ay dahil anumang oras, maaaring magdulot ito ng mas malalang kundisyon tulad ng stroke, atake sa puso, heart at kidney failure.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), tinatayang nasa 12 milyong pilipino ang may mataas na blood pressure o high blood.
Samantala, ayon naman sa American Heart Association, ang bagong guideline sa high blood pressure ay kanilang ibinaba sa 130/80, batay sa resulta ng isinagawa nilang pag-aaral.
Ito na rin ang sinusunod na batayan ng mga Heart specialist sa Pilipinas.
Ayon sa mga eksperto, ang sobrang taas ng blood pressure ay itinuturing “silent killer” dahil kabilang ito sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy.
Mas makabubuti umanong magkaroon ng gamit ang mga Pinoy sa bahay upang mamonitor ang kanilang blood pressure.
Malaki ang maitutulong nito upang agad na makapaglapat ng angkop na lunaas kung sakaling mataas ang kanilang blood pressure.
Patuloy na paalala ng DOH, sikaping isagawa ang Healthy Lifestyle tulad ng pag-e-exercise, proper nutrition at iwas stress.
Ulat ni Belle Surara