National Hypertension awareness month, ginugunita ngayong Mayo
Batay sa Presidential Proclamation No. 1761, taun- taon ay ginugunita ang National hypertension awareness month.
Kaugnay ng naturang selebrasyon, sinabi ni Health Sec. Paulyn Ubial na magsasagawa ng blood pressure screening initiative sa buong buwan ng Mayo ang kanilang partners agencies tulad ng International Society of Hypertension, World Hypertension League, Philippine Society of Hypertension at Philippine Heart Association.
Sa taong ito, tinawag na “May, measurement month 2017 o MMM 2017” at ang tema ay #Bantay BP…magpa-check up at mag-pa monitor…now na!
Binigyang diin ni Ubial na kapag ang blood pressure ay umabot sa 140/90, ikaw ay isa nang hypertensive at kailangan nang mag maintain ng gamot na pampababa ng dugo.
Ulat ni : Anabelle Surara