National ID, hindi dapat katakutan….Sa mga tumututol, can you please shut up”?- Prof. Clarita Carlos
Walang dapat ikatakot ang publiko sakaling maaprubahan at maisabatas ang National Identification system.
Sa panayam ng Radyo Agila, sinabi ni UP Professor Clarita Carlos … bukod sa maraming benefits na makukuha sa nasabing ID ay hindi rin malalabag ang mga karapatang pantao kaya walang dapat ikapangamba ang nakararami.
Aniya may inilagay na mga probisyon ang Kongreso para protektahan ang karapatan ng publiko.
Wala rin aniya itong pinagkaiba sa ibat-ibang ID na ini-isyu ng mga pribadong sektor at mga ahensya ng gobyerno.
Hindi na rin aniya kailangang gumastos ang mag-a-aplay ng National ID dahil pinaglaanan ito ng pondo.
Aniya kung mayroon mang takot na maisabatas ang National ID yun ay ang mga taong may ginagawang masama.
“Yun nga ho eh, kung wala kayong tinatagong iligal ay wala kayong dapat katakutan. Napakaganda po nun for Planning purposes. Hindi tayo pwedeng mag-plano na ang ating numero ay mali, so, yakapin po natin ang ating National ID system, tulungan po natin ang ating Gobyerno na itaguyod ito at ipamahagi sa lahat. Kaya yung mga nagrereklamo, pakisabi nga po kung anong alternatibo ninyo at kung wala kayong alternatibo, can you please shut up”?