National ID, hindi maha-hack – Rep. Aragones
Tiniyak ni House Committee on Population and Family Relations Chairperson at Laguna 3rd District Representative Sol Aragones na hindi mahahack ang mga personal information na ilalagay sa panukalang National ID o identification card system.
Sa panayam ng Saganang Mamamayan sinabi ni Aragones , sa pamamagitan ng privacy commission ay titiyakin ng mga ito na hindi makukuha ang impormasyon ng sinumang indibidwal.
Aniya , tanging mga simpleng impormasyon lamang ang nakapaloob sa National ID System kaya walang dapat ikapangamba ang sinuman.
Dagag pa ni Aragones papatawan ng parusang pagkakakulong at multa ang sinumang maglalabas ng impormasyon ng isang indibidwal.
Nakasaad sa naturang panukala na oobligahin ang mga Pilipinong nasa 18-taong gulang pataas na kumuha ng National ID na libreng ibibigay ng gobyerno sa unang pagkakataon subalit may bayad na kapag mapapa-reissue nito.
“Yung pinag-uusapan natin na privacy unang una gusto nating linawin na yung micro chips sa loob ng FilipinoI D ay wala po doon ang account number na yung mga bank account mo ay mapakialaman wala, mga personal information ito. Kaya walang kontrobersyal na impormasyon na pwedeng magamit laban sayo “. – Rep. Aragones
Ulat ni: Marinell Ochoa