National ID system, aprubado na sa Bicameral conference committee

Lumusot na sa Bicameral conference committee ang panukalang National ID system.

Ayon kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng Senate Committee on Public Order, makakatulong ang National ID para mapadali ang transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.

Mapapadali rin aniya ang pagresolba sa mga krimen o pagtugis sa mga kriminal.

Pagtiyak ni Lacson, may inilatag na safeguards ang Kongreso para protektahan ang mga indibidwal.

Magiging tagapag ingat ng mga impormasyon ang Philippine Statistics Authority o PSA.

Nakasaad sa inaprubahang panukala na mahaharap sa kasong kriminal ang sinumang maglalabas ng impormasyon ng isang indibidwal ng walang pahintulot mula sa Korte.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *