National ID System, dapat isulong ng gobyerno sa halip na gumastos sa panibagong voters ID

Mas makabubuting isulong na lamang ang National ID System sa halip na muling mag-imprenta ang Comelec ng bagong voter’s id.

Ito ang nagkakaisang tugon ng mga Senador  sa plano ng Comelec na mag-imprenta ng bagong voter’s Id na gagastusan ng isandaan at limampung milyong piso.

Kapwa sinabi nina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador sherwin Gatchalian na pagsasayang lamang ng oras, pera at enerhiya ang planong ito ng poll body.

Sa halip na gumastos, makabubuti aniyang magpasa  ng single and unified Id system na ii-isyu sa mamamayan para sa accurate identification.

Hinikayat naman ni Gatchalian ang Comelec na makipag ugnayan na lamang sa iba pang tanggapan ng pamahalaan para sa pagbalangkas ng unified national ID system.

Iginiit pa ng Senador na ang National ID System ay epektibong pamamaraan laban sa mga terorismo para maiwasan na ang paggamit ng mga alyas o mga  pekeng pangalan.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *