National Lung Month, ginugunita ng DOH katuwang ang ilang organisasyon sa pagpapanatiling malusog ng baga
Kilusang malusog na baga 2018 “ Healthy Lungs, Happy Life, para Galing Lungs”, ito ang tema ng pagdiriwang ng National Lung month.
Batay sa bisa ng Presidential Proclamation No. 176, ang buwan ng Agosto ay idineklara bilang National Lung month sa layuning kilalanin ng publiko na mahalagang mapangalagaan ang baga, maitaas ang kamalayan sa mga sakit sa baga na dumadapo sa tao tulad ng Asthma, Chronic Obstructive Pulmonary Disease o COPD, Pneumonia at Tuberculosis.
Kaagapay ng Department of Health ang Philippine College of Chest Physicians o PCCP ang lead organization sa pagsasagawa ng mga aktibidad kaugnay ng pagdiriwang.
Dr. Imelda Mateo, Pulmonologist, Fellow, PCCP
“On August 19, meron ho kaming activity, magtatanim ho kami ng puno, pati po preventive, ginagawa namin, we want Philippines to be healthy, with healthy lungs, with healthy air, pag nagtanim po kayo ng puno, ang ineemitt po ng puno ay oxygen, so inaalis po niya ung carbon dioxide, pina process nya at ginagawa niyang oxygen” Let’s protect ourself, dalawa lang po ang baga natin, pag nawala ho ang isa, mahirap ho, nakoko-compromise, ang baga po ay isa sa mga sentro na organ system ng katawan na affected lahat ng parte ng katawan o ng organs pag iyon po ang nadamaged — let’s take care of our lungs”.
Ulat ni Belle Surara