National Lung month ginugunita ngayong Agosto….Iba’t ibang Respiratory illness dapat bantayan – ayon sa experto
Idineklara ang Agosto bilang National Lung month sa Pilipinas alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1761 na nilagdaan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong July 24, 1978.
Ayon sa mga Lung Specialist, kailangan ang lubos na pangangalaga sa baga lalo na at nararanasan ang Covid Pandemic.
Sabi ng mga eksperto, madali iwasan ang ilang uri ng sakit sa baga ang kailangan lang gawin ay i-practice ang healthy .
Kabilang sa dapat bantayan ay ang mga karaniwang Respiratory illnesses na maaaring dumapo tulad ng Allergies, Asthma, Bronchitis, COPD, Lung cancer at Pneumonia.
Payo ng mga eksperto, ugaliin ang pagsusuot ng face mask, itigil ang paninigarilyo, ugaliing maghugas ng kamay, gawin ang physical distancing at panatilihin ang oral hygiene at malinis na kapaligiran.
Ulat ni Belle Surara