National Mental Health week, ginugunita ng DOH

 

 

Batay sa Proclamation no. 452 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, ginugunita ang National Mental Health week tuwing Oktubre.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito ay  alinsunod sa selebrasyon ng World Mental Health day sa October 10,  2018.

Sa Pilipinas, naitala ang apat na pinaka-karaniwang sakit sa pag iisip o Psychiatric disorders.

Kabilang dito ang Schizophrenia, Substance abuse, Post-Traumatic stress Disorder at ang Depression.

Sa datos ng DOH, isa sa bawat  limang Filipino ang may Mental health disorder.

Hanggang sa kasalukuyan, masasabi umanong suliranin pa rin na may stigma o negatibong pagtungin ang publiko sa mga may sakit sa pag iisip.

Samantala, ayon naman sa isang Psychiatrist, may ilang paraan upang magtaglay ng malusog na kaisipan  na pawang mga self explanatory at madali umanong gawin kung sisikapin.

Kabilang dito ang  pagpapahalaga sa sarili, pangangalaga sa katawan, pakikihalubilo sa mga taong maituturing na “positive at good people”, pagbibigay ng iyong oras upang makatulong sa iba na may pangangailangan, pag aralan kung paano iha handle ang stress, pagkakaroon ng tinatawag na “me time”  o ang tinatawag na “quiet your mind”.

Kung mag se-set ng goals, gawin itong makatotohanan, paminsan-minsan ay i break ang nararanasang monotony, iwasan ang alcohol lalo na ang drugs at  huwag mag aatubiling humingi ng tulong kapag kinakailangan.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *