“National No Smoking Month” ng DOH, idaraos ngayong Hunyo
Lima sa sampung estudyante mula grade 7 hangang 10 ang nahuling naninigarilyo.
Batay naman sa resulta ng Philippines’ 2015 Global Youth Tobacco Survey, tumaas ang porsiyento ng mga estudyante edad 13 hangang 15, ang gumagamit ng sigarilyo o mula sa 13.7% ngayong ay 16% na.
Magdaraos ng programa ang Department of Health na may temang “National No Smoking Month” ngayong Hunyo para himukin ang mga kabataan na iwasan ang paninigarilyo gayundin ang mga barkada at tao na dadalhin ka sa masamang bisyo.
Isasailalim sa anti-smoking cessation session ang mga estudyante na mahuhuling naninigarilyo para tulungan ang mga ito na magbago at itigil ang paninigarilyo.
Ayon kay DOH Secretary Paulyn Ubial, kailangan ding maipaalam sa mga kabataan ang masasamang epekto ng paninigarilyo.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo