National Poison Prevention week, ginugunita ngayong linggo ito ng DOH
Tuwing sasapit ang ika-apat na linggo sa buwan ng Hunyo, ginugunita ng Department of health o DOH ang National Prevention Week batay sa Proclamation no. 1777 na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Mayo 18, 2009.
Ayon sa datos, may 10 katao ang dinadala sa National Poison Management and Control Center ng Philippine General Hospital para sa Toxicologic Management sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Ang aktibidad kaugnay ng nabanggit na pagdiriwang ay pinangungunahan ng DOH at Philippine Society of Clinical and Occupational Toxicology.
Samantala, upang maiwasan ang pagkalason lalo na sa bahay, itago sa ligtas na lugar ang mga kemikal at malayo sa maaabot ng mga bata, iwasang itabi ang mga kemikal sa mga pagkain at inumin, panatilihin ang ligtas na preaprasyon at pag imbak sa mga pagkain at inumin, maging maagap kung tutungo sa mga lugar na posibleng may nakalalasong hayop at insekto at tiyaking nakasunod sa tamang paraan ng pag inom ng gamot.
Ulat ni Belle Surara