National Rally for Peace, nagsimulang payapa, natapos ding payapa; Quirino Grandstand, iniwang malinis
Naging payapa ang pagtatapos ng isinagawang National Rally for Peace na pinangunahan ng Iglesia Ni Cristo sa Quirino Grandstand sa Maynila, na dinaluhan hindi lamang ng mga taga Maynila kundi maging ng mga nagmula sa karating na lalawigan.
Kasabay din nito ang peace rally sa iba’t ibang probinsiya sa bansa.
Samantala, kung paanong inabutang maayos at malinis nang mga dumalo sa rally ang venue, ay payapa, masaya at malinis din nilang iniwan ang Quirino Grandstand.
Agad na naglinis ang mga dumalo hindi lamang sa mismong Quirino Grandstand, kundi maging sa kapaligiran nito katuwang ang MMDA street sweepers at mga tauhan ng Department of Public Service ng Manila LGU.
Ang mga basura ay kanilang tinipon at pagkatapos ay hinakot naman ng mga tauhan ng Manila Sanitary Landfield.
Pagkatapos ng payapa at maayos na peace rally ay muli nang binuksan upang maging passable na sa mga motorista ang Kalaw Avenue, maging ang north at southbound ng Roxas Boulevard.
Archie Amado