National safe kids week, ginugunita ng DOH ngayong linggo (June 18-24)

Isang special na event tuwing sasapit ang ikatlong linggo ng Hunyo.

Ito ay dahil sa ipinagdiriwang ang National safe kids batay sa Presidential Proclamation no. 1307.

Ito ay nilikha upang mahadlangan ang traumatic injuries na maaaring maranasan ng isang bata, na dito ay kabilang ang aksidente sa lansangan.

Ayon sa datos mula sa World Health Organization o WHO ang road crash injuries ay kabilang sa mga nangungunang sanhi ng kamatayan ng mga bata.

Samantala, batay naman sa pahayag ng Safe Kids World Wide Philippines, mahalagang gunitain ang National Safe Kids week upang lalo pang maimulat ang publiko sa road safety lalo na sa paaralan at sa tahanan.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *