National Security issues, mahigpit na babantayan ng DICT sa pagpasok ng bagong telco
Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na posibleng sa Nobyembre, pumasok na sa bansa ang ikatlong telecommunications player.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio na maaring mapakinabangan ng publiko ang serbisyon ng bagong Telco sa unang quarter ng susunod na taon.
“In fact, we are 17 days away in fulfilling it but because of the act of one contender, we are trying our best to answer all the querries that brought to the court so that these deadlines will not be derailed”.
Nagsimula na aniya ang publication para sa public bidding noon pang October 7 at nakapagpalabas na rin sila ng selection documents kung saan walong Telcos ang nag-aplay.
Sa walong Telcos, tatlo sa mga ito ay mga malalaking foreign Telcos operators na higit na may kakayahan na mag-operate.
Pero nilinaw ni Rio na hindi ang binuong selection committee ang pipili ng mananalong bidder.
Dumepensa naman ang National Telecommunications Commission (NTC) sa mga alegasyon na ginagawang money making scheme ng DICT ang bidding process at iginiit na bahala na ang korte na magdesisyon hinggil dito.
Nagdesisyon kasi ang DICT at NTC na magtakda ng isang milyong pisong buying bid documents, 700 million participation security at 14 billion performance security para matiyak na may kakayahan ang kumpanyang lalahok sa bidding.
Katunayan hindi aniya naglabas ng TRO ang korte sa isinampang injunction ng isa sa mga bidder kata tuloy ang kanilang preparasyon sa pagkuha ng bagong Telco.
Ikinunsidera rin aniya ng DICT ang isyu ng seguridad dahil malinaw na nakasulat sa terms of reference na kung anumang kumpanya ang makakuha ng Telco slot ay dapat sumunod sa mga umiiral na batas salig sa National security issues.
Samantala, tiwala naman ang Senado na magiging masusi at patas ang binuong selection committee para sa pagpasok ng bagong telco.
Pagtiyak ng Senado, malaki ang maitutulong ng bagong telco para mapalakas ang kompetisyon.
Gayunman dadaan pa rin sa pagsusuri ng Kongreso ang mananalong kumpanya kasama na ang pag apruba sa kanilang prangkisa.
Ulat ni Meanne Corvera