National Simultaneous Earthquake Drill sa bansa isinagawa ng MIMAROPA Region sa Pinamalayan, Oriental Mindoro
Isinagawa ngayong araw ang National simultaneous earthquake drill na ang pinaka pilot site sa buong MiMAROPA region ay ang Nabuslot National High School sa bayan ng Pinamalayan Oriental Mindoro.
Sa pakikipagtulungan ng Office of the Civil Defense ng MIMAROPA Region, kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, MDRRMO, National Government Agencies, Non-Governnent Agencies & Volunteers, PNP, BFP at Coast guard, matagumpay na naisagawa ang aktibidad.
Ayon kay civil defence officer III Nieves L. Bonifacio ng Office of the Civil Defense ng Regional Office MIMAROPA at Asst. Director Vinscent Gahol ng PDRRMO layunin ng pagsasagawa nito na itaas at iangat ang kamalayan at kahandaan ng mga estudyante at mga tao sa ating komunidad kaugnay ng mga paglindol sa ating bansa.
Kabilang ang Oriental Mindoro sa may 3 major active fault, ang aglubang river fault, central mindoro fault at southern mindoro fault na maaaring gumalaw ng walang babala. Layunin din ng aktibidad na ito na itaas ang kapabilidad ng mga respondents at mabawsan ang impact ng disaster sa lalawigan.
Ulat ni Faith Fojas/Gabe de Guzman/Rommel Medaflor