National Summit on Ethical Standards for Lawyers, isasagawa sa Pebrero
Pangungunahan ng Korte Suprema ang National Summit on Ethical Standards for Lawyers sa Pebrero.
Sa nasabing summit magtatapos ang ika-lima at pinal na bahagi ng inilunsad ng Supreme Court na Ethics Caravan na layuning maipabatid sa legal practitioners ang mga panukalang amyenda sa Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).
Ang CPRA ay ang mga panuntunan at patakaran na gumagabay sa lawyers’ conduct.
Layon din ng caravan at summit na maikonsulta at mahingan ng komento ang mga abogado, academe at iba pang stakeholders sa panukalang bagong code at maplantsa ang mga proposed provisions.
Idinaos ang naunang tatlong Ethics Caravan sa Cebu City, Davao City at Naga City
Ang ika-apat naman na caravan ay isasagawa sa Baguio City sa Enero 11.
Ilan sa mga panukala sa bubuuing bagong CPRA ay ang mga guidelines sa responsableng paggamit ng social media ng nasa legal profession.
Una nang nanawagan si Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga miyembro ng legal community na bigyan ng dignidad ang legal profession para maibalik ang tiwala ng publiko sa mga abogado at sa buong justice system.
Moira Encina