National Task Force against Covid-19 Chief implementer Secretary Carlito Galvez pabor na magpatupad ng calibrated ECQ para maiwasan ang second wave ng Covid-19
Naniniwala si National Task Force against Covid 19 Chief implementer Secretary Carlito Galvez na hindi dapat na total lifting ng Enhance Community Quarantine ang ipatutupad ng gobyerno pagkatapos ng Abril 30.
Sinabi ni Galvez na pabor siyang selective o calibrated lifting ng ECQ ang ipatutupad batay sa georaphical location at magnitude ng Covid 19.
Ayon kay Galvez dapat hindi magmadali ang gobyerno sa pag-aalis ng ECQ hangga’t hindi natutukoy ang aktuwal na dami ng positibo sa Covid 19 para maipatupad ang estratehiyang locate, isolate and cure.
Inihayag ni Galvez na dapat kapulutan ng aral ang nangyari sa Singapore at Japan na bagamat maganda ang kanilang medical system subalit hindi nagpatupad ng ECQ ay tinamaan sila ng second wave ng Covid 19.
Sa April 23 maglalabas ng desisyon si Pangulong Duterte batay sa rekomendasyon ng mga Health at Economic expert kung aalisin na o palalawigin pa ang ipinaturupad na Luzonwide enhance community quarantine na magtatapos sa Abril 30.
Ulat ni Vic Somintac