National Task Force kasama ang iba pang Law enforcement agencies, tinutugis na ang utak sa bentahan ng anti-Covid-19 vaccine
Natukoy na ng National Task Force against Covid-19 ang lot numbers ng mga bakuna kontra COVID 19 na iligal na ibinenta.
Sinabi ni NTF Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez na nagsasagawa na sila ng follow-up operation katuwang ang Food and Drug Administration (FDA), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines intelligence unit at Philippine National Police.
Ayon kay Galvez tiyak na maparurusahan ang mga nasa likod ng iligal na aktibidad sa ilalim ng Republic Act 11525 o COVID 19 Vaccination Progam Act of 2021.
Binigyang-diin ni Galvez na ang ganitong uri ng iligal na aktibidad ay hindi nakatutulong sa pagsisikap ng pamahalaan na makakuha ng sapat na suplay ng anti COVID 19 vaccine.
Niliwanag ni Galvez ang iligal na pagbebenta ng anti-COVID 19 vaccine ay hindi lamang nakasasagabal sa epektibong rollout ng national vaccination program kundi inilalagay din sa kapahamakan ang kalusugan ng publiko.
Vic Somintac