National TB awareness month, ginugunita ng DOH
Isinasagawa tuwing Agosto ang pagdiriwang ng National TB awareness month.
Ito ay sa pangunguna ng DOH katuwang ang mga kumpanya mula sa ibat’ibang sektor ng lipunan.
pinaiigting sa selebrasyon ang kampanya laban sa tuberculosis at sa pagbibigay diin sa Directly Observed Treatment Short course o DOTS chemotherapy.
Bawat rehiyon din ay nagkakaroon ng sarili nilang palatuntunan para maipaalam sa mga mamamayan ang kahalagahan ng malusog na katawan.
Bukod dito, muling maipaalala sa publiko na ang isang sanhi ng nabanggit na sakit ay paninigarilyo.
Samantala, ang National TB awareness day naman ay gugunitain sa Agosto 19.
Ulat ni: Anabelle Surara