National zero waste month, ginugunita ngayong Enero
Idineklara ang buwan ng Enero bilang National Zero waste month.
Ito ay batay sa Presidential Proclamation No. 760 ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Isa sa mga layunin ay mapangalagaan ang kapaligiran, maiwasan ang pagsusulong ng mga bagay na makapagdudulot ng maruming hangin na makakasama sa kalusugan ng tao.
Bukod dito, nilalayon din na paigtingin ang tatlong R…ang REUSE, REDUCE at RECYCLE.
Ayon naman sa Ecowaste campaigner, ang basura ay banta sa kalusugan ng publiko at kapaligiran nito.
Kung hindi daw properly sorted o maayos ang paghihiwalay nito sa isang ligtas na paraan, magiging panganib ito sa kapaligiran kabilang na ang hanging ating nilalanghap, ang tubig na ating iniimom at ang mga pinagkukunan natin ng pagkain, kabilang ang ilog at dagat.
Ulat ni Belle Surara
=== end ===