Nationwide Brigada Eskuwela kick-off ceremony, itinakda sa May 15 – DepEd
Matapos ang halalan sa May 13 ay magsasagawa naman ng Nationwide Brigada kick-off ceremony ang Department of Education (DepEd) sa May 15 na idaraos sa Cavite.
Pero ayon kay Education undersecretary Tonisito Umali, ang Brigada week ay itinakda sa May 20 to 25.
Ayon sa kalihim, dahil katatapos lamang ng halalan ay kailangang ayusin at pinturahanan ang mga silid-aralan, babarnisan ang mga upuan at iba pang minor repairs upang maging presentable ang mga classrooms sa mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan.
Maliban dito, magkakaroon rin ng Nationwide Oplan Balik Eskuwela ang Deped isang linggo bago ang pagbubukas ng klase.
“Before the opening of classes, magkakaroon ng Help Desk at Help centers nationwide, bawat paaralan meron nyan para sa mga batang mag-aaral na may katanungan, magta-transfer sila, ano ba ang mga requirements, at kung ano pa ang kanilang katanungan ay handa silang tulungan”. – USEC Tonisito Umali, Department of Education