Nationwide smoking ban, nagsimula na ngayong araw

Sa bisa ng Executive Order no. 26, epektibo na ngayong araw, Hulyo 23, ang Nationwide smoking ban.

Sinabi ni Department of Health o DOH Secretary Eric Tayag na nagsimula na kaninang hatinggabi ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Sa ilalim ng E.O., bawal nang manigarilyo sa mga public places gaya ng mga paaralan, ospital, mga clinics, elevators, recreational facilities, stairwells, food preparation areas, at mga fire hazard areas.

Maaari namang manigarilyo sa mga itinalagang lugar ngunit dapat ay may proper ventilation.

Ang mga mahuhuling lalabag sa Executive Order ay pagmumultahin ng 500 piso hanggang 10 libong piso at posible rin na makulong.

Hindi naman sakop ng EO ang pagbabawal ng paninigarilyo ng vapes at e-cigarettes.

 

(tonilaborte)

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *