Nature lover ka ba?
Namimiss n’yo na ba ang mag out of town, to be close to nature ? For sure, marami sa atin ay gusto ng Vitamin-Sea, ang dumampi ang malamig na hangin mula sa dalampasigan, ang paghampas ng mga alon sa mga naglalakihang bato.
Maging ang mga huni ng ibon na dumadapo sa malalaking puno na galing sa kagubatan, ang pag akyat sa tuktok ng bundok upang masaksihan ang tila umaagos na ulap o tinatawag na sea of clouds.
Alam natin kung gaano ito kabuti at kung gaano natin ito badly needed sa ganitong panahon ng pandemya. Pero bago yan, alamin muna natin ang kabutihang naidudulot sa ating kalusugan ng Nature Therapy.
Nature therapy, ecotherapy o pwede rin nating tawagin na ecopsychology therapy. Isang paraan upang maimprove ang ating mental at physical state. Tulad na lamang ng mga sumusunod :
-Nakakapagbigay ng emotional healing, peace of mind, calming effect, decrease ng blood pressure, reduce stress, agression.
-Ang pagbibigay ng panahon sa kalikasan can improve immune system. Cardio vascular at respiratory functioning. Kaya di ba’t malaking bagay na nauso ngayon ang plantito/plantita
Pero alam ninyo ba na hindi lamang ito ang dapat nating isa-isip?
Ang mapalapit tayo sa kalikasan ay pagkakataon na maipakita natin ang pagpapahalaga natin dito. Ayon kay Gregg Yan, isang environmentalist at mountaineer na nakaakyat na sa mahigit 150 bundok sa Pilipinas at iba pang Asian countries ay nagsabi na ang pag-akyat sa bundok o “mountaineering” ay isang mabisang paraan upang maprotektahan at mapangalagaan ang mayamang biodiversity ng bansa.
Isang paraan upang mapanatili aniya ito ay sa pamamagitan ng pagtatalaga ng “Green Climber” o isang environmental officer sa bawat pag -akyat. Idinagdag niya na ang Green Climber ang dapat na patuloy na magpaalala na linisin ang trail na kanilang dinadaanan at ibaba rin ang mga kalat na kanilang ginamit. Ang naitalaga na Green Climber ay dapat na laging may dalang lagayan ng basura kung para ang mga non-biodegradable na kalat tulad ng balat ng kendi o plastic bags ay maaaring ilagay.
Bilang isa sa nakatapos ng Jungle Environment Survival Training (JEST) Camp (isang kaparehong training na ibinibigay sa mga military personnel) sa Subic Bay, nagbigay si Mr. Gregg ng ilang useful tips para sa mga mountain climber. Ang sabi niya , hindi dapat gumawa ng campfires maliban na lamang sa mga survival situation dahil maaari itong maging mahirap patayin. Ang mga stove ay dapat ding gamitin ng may pag-iingat dahil ito minsan ang nagiging dahilan ng ilang pagkasunog ng mga pangunahing bundok sa Pilipinas kabilang na ang Mount Apo, Kanlaon, at Pulag.
Dapat ding iwasan ang paninigarilyo dahil ang upos ng sigarilyo ay mas matagal na nananatiling kalat matapos na ito ay gamitin. At dapat din na manatili sa mga itinalagang trail upang maiwasan ang impact ng grupo sa nasabing lugar.
Ipinaalala pa niya na dapat itabing mabuti ang mga pagkain at mga tira – tira nito dahil maaring iugnay ng mga wild animals ang campsites sa mga tirang pagkain. Ito ay makapagpapataas ng tyansa na makatagpo ng mapaminsalang daga o ahas kapag nais umihi sa gabi.
Hindi rin dapat magpakain, manghuli, o pumatay ng mga hayop sa paligid. Kung nais tumulong sa pagtatanim ng nga bagong puno, sinabi ni Mr. Gregg na makabubuting alamin kung anong mga puno ang katutubo sa lugar. Ang mga ito aniya ay mas matitibay at tumatagal hanggang sa pagtanda. At sa huli, mas mainam na pakitunguhang mabuti ang lokal na komunidad at huwag silang ituring na guide, porter, o scout lang. Makabubuting ibahagi sa kanila ang inyong nalalaman at tiyak na ibabahagi din nila ang mga importanteng tips gaya ng kung anong halaman ang may medisinal na gamit at kung saan ang pinaka magandang lugar para sa photo-op.
Sa huli, sinabi ni Mr. Gregg na mas marami pang bagay ang matutuklasan sa pag-akyat sa bundok hindi lamang ang karanasan o thrill na maaring makita sa kagandahan ng paligid. Ang mountaineers ay hindi lamang dapat na maging mga turista. Sila ang dapat na maging bantay at tagapagtanggol ng mga kabundukan ng bansa at walang higit na makagagawa nito kundi ang mga taong may malaking pagmamahal na marating ang tuktok ng mga kabundukan.
Kaya hindi lang dapat ini-enjoy ang meron sa kalikasan dapat din itong protektahan at pangalagaan.