Naval cafgu, iminungkahing ideploy sa west philippine sea
Iminungkahi ni Senador Ronald bato Dela rosa sa sandatahang lakas ng bansa na ideploy sa west philippine sea ang mga naval cafgu.
Sa budget hearing ng panukalang pondo ng Department of National Defense, Sinabi ni Dela rosa na itoý para hindi na makapanamantala ang mga chinese coastguard at malayang makapangisda ang mga mangingisdang pinoy doon.
Pabor si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa panukala pero ayon sa kalihim ang problema ngayon ang kulang sea assets ng bansa .
Katunayan ang Pilipinas na lang sa mga bansa sa buong mundo ang may natitirang limang barkong ginawa noon pang World war 2.
Kailangan aniya ay malalakas na sasakyang pandagat ang dalhin sa West philippine sea dahil madaling masisira kung mga ordinaryong bangka dahil malakas ang alon doon.
Noong nakaraang taon , inaprubahan na aniya ng Pangulo ang pagbili ng mga bagong sasakyang pandagat bilang bahagi ng modernisasyon ng sandatahang lakas pero nabalam dahil sa naranasang pandemya kung saan ilan sa kanilang pondo ay nagamit pa sa pagbili ng mga bakuna.
Meanne Corvera