Nawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa climate change, umabot sa P68 billion sa nakalipas na limang taon

Photo courtesy of climate.gov.ph

Tinatayang P68 billion ang halagang nawala sa ekonomiya ng bansa sa nakalipas na limang taon dahil sa climate change.

Ito ang inihayag ni Climate Change Commission (CCC) Commissioner Albert Dela Cruz sa isang sustainability forum.

Ayon kay Dela Cruz, ang epekto ng pagbabago ng klima ay ang pagkaudlot ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Dela Cruz, “Hindi tayo makausad dahil nga po sa problema na ang ating agricultural setor ang ating mga fisherfolks ang climate abnormalities ay isa sa pinakalmalaking dahilan why we have a problem with regards to slow economic growth.”

Kasama na sa mga ito ang banta ng climate change sa seguridad sa pagkain at tubig.

Inihalimbawa ni Dela Cruz ang epekto rin nito sa West Philippine Sea na pinagkukunan ng yamang dagat at pagkain

Aniya, “One third of our marine envt is located there in west ph sea it considered to be the center of the center of tge center of marine biodiversity.and food security in so far as marine food not only of the philippines but the whole south east asian nation.’

Inaasahan ng opisyal na mas tataas pa ang economic loss sa mga susunod na taon bunsod ng climate change.

Aminado si Dela Cruz na hamon para sa Pilipinas sa pagkakamit ng sustainability goals ay ang teknolohiya at financial mechanisms.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *