NBA, hindi magmamadali para sa COVID-19 vaccines
LOS ANGELES, United States (AFP)- Sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na hindi sila magmamadali para sa COVID-19 vaccine, habang naghahanda ang liga sa pagtatapos ng bagong season sa harap ng pagtaas ng kaso ng coronavirus sa magkabilang panig ng Estados Unidos..
Sa kaniyang pagsasalita sa ipinatawag na conference bago ang simula ng 2020-2021 season nitong Martes, binigyang diin ni Silver na hihintayin ng NBA ang pagkakataon na sila na ang bibigyan ng bakuna, na sinimulan nang ibigay nitong nakalipas na linggo.
Ayon kay Silver, “It goes without saying that in no form or way will we jump the line. We will wait our turn to get the vaccine.”
Umaasa siya na magkakaroon ng papel ang mga manlalaro at staff ng NBA, para makatulong na bigyan ng katiyakan ang publiko sa benepisyo ng pagpapabakuna.
Aniya, “It’s my hope that when we are eligible, members of the NBA community will want to get vaccinated and it’s our plan to be involved with governmental efforts in terms of public messaging as to the benefit of taking the vaccine.”
Matatandaan na apat na buwang nag-shutdown ang NBA sa nakaraang season, nang lumaganap ang pandemya sa magkabilang panig ng North America bago muling nag-resume nitong July, kung saan ang mga team ay ibinase sa isang protective quarantine bubble sa Orlando, Florida.
Gayunman sa bagong season, ang mga team ay maglalaro sa kanilang home markets, However the new season will take place with teams playing in their home markets, isang hakbang na kumakatawan sa napakaraming logistical challenges para sa NBA at 30 koponan, sa gitna ng biglang pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa maraming estado.
Sinabi ni Silver na ang paglalaro ng isang buong panahon sa isang mala-bubble na kapaligiran sa campus, ay itinuturing na “hindi matatag” ngunit iginiit na tiwala siya sa mga proteksyon sa kalusugan at kaligtasang nakalatag upang mapagaan ang panganib mula sa virus.
Subalit nakahanda naman aniya ang liga sa anomang pagkaantala, na ang tinutukoy ay ang pangamba tungkol sa pagtatapos ng season nitong Martes.
Ang mga hepe ng NBA ay nagpalabas lamang ng schedule ng mga laro para sa unang kalahati ng pinaikling 72-game season, at ang second half ay depende sa magiging kinalabasan ng first half, dahil alam nilang may posibilidad na magkaroon ng reschedule ng mga laro habang tumatakbo ang season.
Ayon kay Silver, anim na team lamang ang magbubukas ng season kung saan may fans na makakapanood sa kani-kanilang arena.
Dagdag pa ni Silver, “I recognise that until we have mass distribution of the vaccine it’s unlikely that we’re going to return to the point of having full arenas.”
© Agence France-Presse