NBI, bumuo ng special team na mag-iimbestiga sa kaso ni COMELEC Chaiman Bautista
Lumikha ang NBI ng special team na magiimbestiga sa sinasabing tago at nakaw na yaman ni Comelec Chairman Andres Bautista.
Binubuo ang special team ng mga ahente mula sa Intelligence Service at Investigative Service ng ahensya.
Nasa case build up pa ang ginagawa ng NBI.
Ayon kay Deputy Director at NBI Spokesman Ferdinand Lavin ,malaki ang maitutulong ng Anti Money Laundering Council sa imbestigasyon para masuri at makumpirma ang mga sinasabing bank accounts ni Bautista na isiniwalat ng misis nito.
Wala namang timetable ang NBI sa gagawin nilang imbestigasyon.
Una nang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na maaring gamiting ebidensya sa impeachment case ni Bautista ang magiging resulta ng imbestigasyon ng NBI.
Ulat ni: Moira Encina