NBI, hindi magpapa-pressure sa imbestigasyon sa kontrobersiya sa umano’y naipuslit na 6.4 bilyong pisong halaga ng shabu sa BOC

Tiniyak ng National Bureau of Investigation o NBI na hindi sila magpapa-impluwensiya sa kaninuman sa gitna ng ikakasa nitong imbestigasyon tungkol sa umano’y 6.4 bilyong pisong shabu na naipuslit matapos maitago sa apat na magnetic lifter.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin na gagawin nila ang kanilang trabaho, independently at hindi magpapadala sa anomang pressure matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ispekulasyon lamang ang pahayag ng PDEA.

Ayon kay Lavin, ibabase nila sa ebidensiya ang kanilang gagawing pagsisiyasat gamit ang forensic procedures upang mula duo’y madetermina kung may nakalusot nga bang iligal na droga o sadyang ispekulasyon lang ang naging pahayag ng PDEA.

Kaugnay nito’y inihayag ni Lavin na bumuo na sila ng Task Force na tututok sa gagawing pagsisiyasat.

Iginiit ni Lavin na mahigpit ang direktiba sa kanila ni DOJ Secretary Menardo Guevarra na gawing malaliman ang imbestigasyon at malaman ang puno’t dulo ng kontrobersiya.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *