NBI inatasan ng DOJ na imbestigahan ang pagkamatay ng UST Law student dahil sa hazing
Ipinag-utos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa NBI na imbestigahan at sampahan ng kaukulang kaso ang mga responsable sa pagkamatay ng first year UST Law student na si Horacio Castillo the third.
Si Castillo ay pinaniniwalaang namatay dahil sa initiation rites ng sinalihan nitong fraternity.
Ayon kay Aguirre, ang pagkawala ng buhay ay hindi dapat maging kabayaran para sa kapatiran.
Walang lugar aniya sa sibilisadong komunidad ang pagkamatay ng dahil sa hazing.
Kaugnay nito ay nagpaabot ng pakikiramay at nag-alok ng anumang maitutulong ang kalihim sa pamilya Castillo dahil sa sinapit ng kanilang anak.
Tiniyak ni Aguirre na papanagutin sa ilalim ng batas ang sinumang mapapatunayan na sangkot sa pagkamatay ni Horacio.
Ulat ni: Moira Encina