NBI, inatasan ng DOJ na imbestigahan ang pagpaslang sa labing -apat na taong gulang na binatilyong si Reynaldo de Guzman
Iniutos na ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa NBI na imbestigahan ang pagpaslang sa labing -apat na taong gulang na binatilyong si Reynaldo De Guzman.
Si De Guzman ang sinasabing nakasama ng dating UP student na si Carl Angelo Arnaiz nang ito ay mawala noong August 18 at natagpuang patay sa isang morgue sa Caloocan noong August 28.
Natagpuan naman sa Gapan, Nueva Ecija ang bangkay ni de Guzman na tadtad ng saksak sa katawan.
Sa department order ni Aguirre, inatasan nito ang NBI na magsagawa ng case build-up at maghain ng kaukulang reklamo kung sasapat ang ebidensya laban sa mga salarin.
Una na ring inimbestigahan ang kaso ng pagpatay kay Arnaiz alinsunod sa kautusan ni Pangulong Duterte.
Ulat ni: Moira Encina