NBI, inatasan ng DOJ na imbestigahan ang Rappler
Pinaiimbestigahan na rin ng Department of Justice o DOJ sa National Bureau of Investigation o NBI ang mga posibleng paglabag sa KOnstitusyon at batas ng online news site na Rappler.
Sa Department order 017 na pirmado ni Justice Secretary Vitaliano III, inatasan ang NBI na mag-case build-up at maghain ng kaukulang kaso sa mga lumabag kung may sapat na ebidensya.
Pinagsusumite rin ni Aguirre ang NBI ng ulat sa kaniya ukol sa isinasagawang imbestigasyon.
Ikinasa ang imbestigasyon matapos kanselahin ng Securities and Exchange Commission o SEC ang Certificate of Incorporation ng Rappler dahil sa isyu ng Foreign ownership.
Ulat ni Moira Encina
=== end ===