NBI iniimbestigahan na rin ang pagpatay sa brodkaster sa Misamis Occidental

Pumasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa pagpaslang sa radio anchor na si Juan Jumalon.

Sinabi ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano na natanggap ng NBI nang maaga ang ulat ang ukol sa kaso ng pagpatay kay Jumalon.

Ayon kay Clavano, lahat ng leads sa kaso ay iniimbestigahan ng NBI para matunton ang pumaslang sa brodkaster.

Aniya, nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Presidential Task Force On Media Security (PTFoMS) para sa palitan ng impormasyon.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang DOJ sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Jumaton.

Tiniyak ng opisyal na gagawin ng NBI ang lahat para magkaroon ng mabusising imbestigasyon, mabilis na mahuli ang mga salarin at mapanagot ang mga ito.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *