NBI mayroong ‘encouraging leads’ sa pagkamatay ni Christine Dacera
Nakakuha ang NBI ng one hundred milliliters na bodily fluids mula sa katawan ng flight attendant na si Christine Dacera.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ito ang ipinabatid sa kanya ng NBI na nag-iimbestiga sa pagkamatay ni Dacera.
Anya ang one hundred milliliters ng ihi o urine mula sa biktima ay makapagbibigay ng maraming impormasyon sa forensic team ng NBI.
Inaasahan ng kalihim na mailalabas na ang laboratory examination sa mga susunod na araw.
Statement of Justice Secretary Menardo Guevarra
(“I was informed that the NBI was able to extract about 100 ml of urine from the subject’s body. it could provide a lot of information to the forensic team. The results of the laboratory examination may come out in a few days.”)
Kaugnay nito, inihayag ng NBI na mayroon silang encouraging leads sa kaso.
Gayunman, nilinaw ng NBI na hindi pa nila sinasabi na mayroon na silang kriminal na kaso dahil nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon
Binibigyan din ng NBI ang persons of interest ng panahon para humarap sa kanila.
Tanging ang mga abogado lang ng mga respondent ang humarap sa NBI noong Lunes.
Sa Miyerkules ay sisimulan nang dinggin ng piskalya sa Makati ang reklamong rape with homicide laban sa mga suspek sa pagkamatay ng flight attendant.
Moira Encina