NBI naghain ng kaso sa DOJ kaugnay sa mga nakumpiskang magnetic lifters; dating Customs Commissioner Isidro Lapeña kabilang sa kinasuhan

Kinasuhan ng NBI sa DOJ si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña at mahigit 50 iba pang indibidwal kaugnay sa pagkakapuslit ng shabu na nakatago sa dalawang magnetic lifters sa Manila International Container Port at ang apat na magnetic lifters sa GMA, Cavite na hinihinalang ginamit sa smuggling ng shabu.

Si Lapeña ay sinampahan ng NBI ng mga reklamong dereliction of duty, grave misconduct at paglabag sa Section 3 (e) ng  Anti -Graft and Corrupt Practices Act.

Kabilang din sa kinasuhan ng NBI sina dating PDEA Deputy Director Ismael Fajardo, dating Customs Intelligence Agent Jimmy Guban, dating PNP-AIDG OIC Senior Supt Eduardo Acierto, BOC Deputy Commissioner Ricardo Quinto at iba pang Customs officials.

Ilan sa mga reklamong inihain laban sa mga ito ay ang importation of illegal drugs, grave misconduct at paglabag sa Anti – Graft law.

Ipinagharap din ang iba pang respondents ng false testimony at subornation of perjury.

Una nang inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang pagkakapuslit ng shabu sa mga magnetic lifters.

Noong Disyembre ng nakaraang taon inihain sa DOJ ng PDEA ang hiwalay nitong reklamo laban sa mga sangkot sa kaso ng shabu sa mga magnetic lifters pero hindi kasama sa kinasuhan si Lapeña.

Gumulong na ang preliminary investigation ng DOJ sa nasabing reklamo ng PDEA kung saan ang susunod na pagdinig ay itinakda sa Enero 30 para sa pagsusumite ng kontra -salaysay ng mga respondents.]

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *