NBI natapos na ang forensic examination sa mga labi ni Christine Dacera
Nakumpleto na ng NBI ang forensic examination sa mga tissue na nakuha mula sa mga labi ng flight attendant na si Christine Dacera.
Gayunman, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipauubaya niya sa NBI ang paglalabas sa resulta ng pagsusuri.
Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan ang NBI sa Makati City Medical Center para sa ilang isyu kaugnay sa kaso ng pagkamatay ni Dacera.
Ayon pa sa kalihim, ang susunod naman na gagawin ng NBI Digital Forensic Team ay ang pagsuri sa mga datos sa mobile phones ng mga Persons of Interest sa kaso.
Sa Enero 27 itutuloy naman ng piskalya sa Makati ang pagdinig sa mga reklamo laban sa mga suspek.
Inaasahang isusumite na ng PNP ang hinihingi ng piskalya na medical at laboratory results sa mga labi ni Dacera.
SOJ Menardo Guevarra:
“The NBI has completed its forensic examination of tissues obtained from the subject’s remains. It is currently coordinating with the Makati Medical Center on related issues. The NBI Digital Forensic Team will now proceed to examine the data in the mobile phones of the persons of interest.
I will leave it to the NBI to release the results.”.
Moira Encina