NBI posibleng makasuhan dahil sa pagtatago ng narekober na shabu sa Valenzuela
Posibleng maharap pa sa kaso ang mga opisyal at tauhan ng NationalBureau of Investigation na nagsagaw ang raid sa Valenzuela kung saan narekober ang limandaang kilo ng shabu.
Sa pagdinig ng Senado, lumilitaw na hindi pa nagsampa ng kaso ang NBI laban sa may-ari o consignee ng shipment na nagmula pa sa China.
Katwiran ng NBI, kinukumpleto pa nila ang ilang dokumento.
Ayon kay Senador Vicente Sotto, sa iallim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs, dapat sa loob ng bente kuatro orasay masampahan na ng kaso ang sinumang nakunan ng shabu.
Dapat rin aniyang itinurn-over na ng NBI sa Philippine Drug Enforecement Agency ang lahat ng narekober na shabu at hindi na dapat itong patagalin sa kanilang kustodiya.
Sa ngayon, inirekomenda na ni Senador Richard Gordon ang hold
departure order laban kay Richard Tan o Chen, ang sinaabing nag ship ng mahigit animnaraang kilo ng shabu.
Sa pagdinig ng Senado, itinuro ng broker na si Ruben Taguba 11 Si Tan ang sinasabing may-ari ng Hongfei Philippines na nagpadala ng shabu mula China patungo sa consignee for hire na EMT TRADING.
Ayon kay Taguba, batay ito sa pahayag ni Kenneth Dong na siya naming middleman ni Tan.
Pero sa pagsisiyasat ng Blue Ribbon Committee, nakaalis na si Dong
noong July 28 patungong Chengdu, China.
Ulat ni: Mean Corvera