NBI, tukoy na ang mga pangalan at itsura ng mga tao na nasa isa pang hotel room na pinuntahan ni Christine Dacera
Inimbitahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga tao na nasa isa pang hotel room na pinuntahan ng flight attendant na si Christine Dacera ilang oras bago ito namatay.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, natukoy na ng NBI ang mga pangalan at itsura ng mga occupants ng Room 2207.
Anya ipinatawag na ang mga nasabing indibidwal ng NBI para makapagbigay sila ng mahalagang impormasyon sa kaso ng pagkamatay ni Dacera.
Sinabi pa ni Guevarra na ilalabas ng NBI ang resulta ng forensic examination sa pagkamatay ng 23-anyos nang hindi lalagpas sa isang linggo.
Tumanggi ang kalihim na magbigay ng karagdagang detalye sa kaso.
Mas mabuti anyang hintayin na lamang ang forensic results at mga karagdagang salaysay sa pangyayari.
SOJ Menardo Guevarra:
“The NBI knows the name of the person who registered at the reception and the faces/names of the other persons in room 2207. the NBI will come out with the forensic results in less than a week.
I think they have been invited to appear today at the NBI to provide any relevant information.
More prudent to await further narrative accounts and the results of the NBI forensic examination.”
Moira Encina