NCAP petitions isa sa mga ipaprayoridad ng SC sa susunod na taon
Target ng Korte Suprema na mapagpasyahan na sa unang bahagi ng 2023 ang mga petisyon laban sa implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa limang lungsod sa NCR.
Sa SC Meets The Press, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na ang NCAP petitions ang isa sa mga prayoridad ng Supreme Court na resolbahin sa susunod na taon lalo na’t ang isyu ay public interest.
Noong nakaraang linggo ay sinimulan na ng SC ang unang round ng oral arguments sa mga petisyon na kumukuwestiyon sa polisiya.
Itinakda ang susunod na oral arguments sa Enero 24, 2023.
Isa pa sa mga reresolbahin ng SC ang mga petisyon laban sa pagpapaliban ng barangay elections.
Nilinaw naman ng punong mahistrado na lahat ng kaso na napupunta sa Korte Suprema ay tinatrato nila nang patas at pantay-pantay bagamat ang iba ay maituturing na kontrobersyal.
Moira Encina