NCCA binuksan ang aplikasyon para sa 2024 Competitive Grants Program nito

Maaari nang magsumite ng project proposals ang mga kuwalipikadong organisasyon at indibiduwal para sa 2024 Competitive Grants Program ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Ang entries o proposals ay puwedeng isumite sa hanggang sa Agosto 31, 2023 sa Program Management Division ng NCCA sa Intramuros, Maynila o kaya ay i-email sa [email protected].

Kabuuang P133 milyon ang nakalaang pondo para sa nasabing grant ng NCCA.

Ito ay alinsunod sa mandato ng NCCA na magbigay ng grants at pangasiwaan ang National Endowment Fund for Culture and the Artd (NEFCA) para sa development, proteksyon, preserbasyon at pagpapalaganap ng kultura at sining ng Pilipinas.

Ilan sa mga puwedeng maghain ng proposals at aplikasyon ay ang accredited civil society groups, indigeneous peoples organizations, mga lokal na pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, state universities and colleges, at mga pampublikong eskuwelahan.

Makatatanggap ng pondo na nagkakahalaga ng P50,000 hanggang P1.5 milyon ang mapipiling program proposals depende sa kategorya.

Ilan sa proposals na maaaring isumite ng mga interesadong indibiduwal o organisasyon ay ang ukol sa pagpondo sa pagtatayo at enhancement ng libraries, restoration ng mga monumento, paglimbag ng local history, art exhibit curation, short film production, scholarship assistance for theater artist, national music summit at marami pang iba.

Aminado ang NCCA na hindi nagagamit nang buo ang pondo nito sa grant dahil kaunti ang sumasali na maaaring dahil kulang pa ang kanilang information dissemination at mabusisi ang requirements.


Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *